30.3 C
Manila
Miyerkules, Marso 19, 2025

Bulacan kinilala ng DA bilang top performing province

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa kanilang dedikasyon sa kahusayan at matagumpay na pagpapatupad ng mga proyektong pang-agrikultura para sa mga Bulakenyo, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAO) ay lumabas bilang Top 1 sa 2023 Top Performing Province – Overall Category noong panahon ng Year-End Assessment ng Department of Agriculture Programs na ginanap sa Savannah Resort Hotel, Angeles City, Pampanga noong Disyembre 21, 2023.

Tinanggap ni Provincial Agriculturist Ma. Gloria SF Carrillo kasama ang mga kinatawan ng Provincial Agriculture Office ang certificate of excellence mula kay Department of Agriculture Assistant Regional Director Eduardo Lapuz and Operations Division Chief Elma Mananes of the DA Regional Office III for sa pagiging Top 1 sa 2023 Top Performing Province – Overall Category sa ginanap na Year-End Assessment ng Department of Agriculture Programs na ginanap sa Savannah Resort Hotel, Angeles City, Pampanga kahapon. (Larawan mula sa PAO)

Dahil dito, nakatanggap ang lalawigan ng certificate of excellence mula sa Department of Agriculture – Regional Office III para sa isang huwarang performance at transformative initiatives.

Alinsunod dito, kabilang sa susi sa pagkilala ay ang napapanahong pagsusumite ng mga ulat at pagpapatupad ng proyekto sa lalawigan na nakakatulong sa kabuuang tagumpay ng Department of Agriculture – Central Luzon.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gobernador Daniel Fernando ang mga makabuluhang pag-unlad sa pamayanang agrikultural na nagpapataas ng katayuan ng lalawigan sa sektor ng agrikultura.

“Ang pamayanan ng agrikultura sa lalawigan ay nakaranas ng makabuluhang paglago sa mga nakaraang taon mula sa pagpapatibay ng mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka hanggang sa pagsulong ng mga napapanatiling kasanayan at pagtutok sa pagbibigay kapangyarihan sa ating mga lokal na magsasaka. Sa pamamagitan nito, sisiguraduhin kong patuloy na susuportahan at mamumuhunan ang Pamahalaang Panlalawigan para sa ating pamayanang agrikultural,” ani Fernando.

Samantala, sinabi ni Provincial Agriculturist Ma. Gloria Carillo na ang pagkilala sa mga taong nasa likod ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-agrikultura sa grassroots level.

“Nagtagumpay ang Bulacan! Congratulations sa mga kalalakihan at kababaihan ng Provincial Agriculture Office at ng Municipal and City Agriculture Offices,” ani Carrillo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -