28.1 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Cebu at Mister Loo nagkasundo para sa kalinisan ng CR sa bus terminals

- Advertisement -
- Advertisement -

LUMAGDA sa isang kasunduan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu at Mister Loo Philippines (MLP) kaugnay sa pag-upa noong Disyembre 21, upang gawing pormal ang public-private partnership ng magkabilang partido para sa pagpapaunlad, pagpapanatili, at pagpapatakbo ng mga tech-enabled na palikuran sa mga terminal ng bus na pinapatakbo ng Kapitolyo, katulad ng Cebu South Bus Terminal at Cebu North Bus Terminal.

Dumadaan sa pag-check ng security guard ang mga pasahero na pumapasok sa Cebu South Bus Terminal. Ang Cebu South Bus Terminal at ang Cebu North Bus Terminal ay magkakaroon ng state-of-the-art toilet facilities pagkatapos na makipagkasundo ng Kapitolyo ng Cebu sa isang Switzerland-based company para sa konstruksyon ng 28 toilet cubicles. (Larawan mula sa Kapitolyo ng Cebu  PIO)

Kinatawan nina Gov. Gwen Garcia at MLP Country manager Sarah Pante ang dalawang Partido sa ginawang paglagda.

Sa ilalim ng kasunduan, sasagutin ng Mister Loo ang lahat ng gastusin, kabilang ang pagtatayo, pag-install, at pagpapatakbo ng pasilidad ng palikuran kasama ng sarili nitong mga tauhan, at titiyakin ang kasiyahan ng mga kliyente sa pamamagitan ng makabagong imprastraktura at ang pinakamataas na pamantayan sa kalinisan sa buong mundo.

Haharapin din ng MLP ang mga pampublikong alalahanin. Sa mga tech-enabled na toilet, isang service fee na mula P10 hanggang P20 ang sisingilin sa bawat bisita at kliyente. Ang P10 service fee ay sumasaklaw sa tech-enabled toilet, ang P20 premium fee ay nag-aalok sa mga user ng kaginhawahan sa pamamagitan ng air-conditioned lounge area, make-up at breastfeeding area, charging station, at libreng tubig.

Higit pa rito, habang ang MLP ay kikita mula sa mga serbisyo nito, sumang-ayon din silang bayaran ang Kapitolyo ng buwanang pag-upa ng 5 porsiyento ng kabuuang nalikom sa gamit ang mga iniaalok na serbisyo.

Sumaksi rin sa paglagda ang Capitol consultant on environmental matters na si Atty. Ben Cabrido at mga pinuno ng iba’t ibang departamento.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -