30.5 C
Manila
Sabado, Hunyo 15, 2024

LRT-2, may libreng sakay sa Rizal Day

- Advertisement -
- Advertisement -

Magandang balita! May libreng sakay ang LRT-2 sa Rizal Day sa ika-30 ng Disyembre sa mga piling oras.

Ayon sa Department of Transportation, bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-127 na anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal sa Sabado, ihahandog ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay sa LRT-2 sa mga sumusunod na oras:
7 a.m. hanggang 9 a.m. at
5 p.m. hanggang 7 p.m.

Aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng alas-5 ng umaga at aalis ang huling tren sa Antipolo Station nang alas-9 ng gabi, at sa Recto Station nang 9:30 ng gabi. (PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -