28.1 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Sarangani province, nagtatag ng Provincial People’s Council at Civil Society Organizations desks

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGTATAG na ang probinsya ng Sarangani ng kanilang Civil Society Organizations (CSO) desks at Provincial People’s Council, alinsunod sa Memorandum Circular No. 2021-054 ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ipinag-utos nito sa mga lokal na pamahalaan na hikayatin ang pakikilahok ng mga people’s organization at mga non-governmental organization bilang aktibong kaagapay sa pagpapalaganap ng lokal na awtonomiya.

Samantala, inihayag ni Provincial Administrator Ryan Jay Ramos na ang nasabing hakbang ay nagpapatibay lamang sa pangako ng pamahalaang panlalawigan na mas ilapit pa ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga mamamayan nito.

Sa isinagawang pagtitipon kamakailan, pinangunahan ni CSO Desk Officer John Marshal Malanao ang eleksyon ng Provincial People’s Council Federation officers.

Ipinakita rin ang draft ng People’s Council Action Plan para sa 2024.


Ayon sa Sarangani Provincial Information Office, dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina Board Member Ephraim Galzote, Joseph Calanao, Irish Louie Arnado, Jose Tranquilino Ruiz, at iba pang mga opisyal at department heads ng PLGU Sarangani. (HJPF – PIA SarGen)

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -