27.7 C
Manila
Linggo, Marso 3, 2024

I-Excel tilapia, ipinamahagi sa Pangil, Laguna

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG tugon sa kahilingan ng mga fish pond operators sa Munisipyo ng Pangil, sa Lalawigan ng Laguna, humigit-kumulang 30,000 I-Excel Tilapia fingerlings ang iginawad sa 25 operator mula sa Brgy. Sulib at Gagalan noong ika-12 ng Disyembre 2023.

Ang pamamahagi ay pinangunahan ng mga tauhan mula sa Field Agricultural Extension Services-Office of the Provincial Agriculturist (FAES-OPAg) at dalawang kinatawan mula sa Pamahalaang Bayan, na sina Felicisimo Ajes, Pangil Municipal Agricultural Officer, at Alfredo Pajarillo mula sa Office of the Mayor.

Idinaos ang nasabing aktibidad upang suportahan ang mga mangingisda ng Pangil sa pagbabawas ng gastos sa produksyon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng fingerlings bilang panimulang negosyo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -