24.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 29, 2025

Nego-Kart, ice cream processing equipment, ipinagkaloob ng DoLE sa 22 benepisyaryo sa Bansud

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKALOOB ang Department of Labor and Employment (DoLE) Integrated Livelihood Program (DILP) ng mga negosyo package sa 22 benepisyaryo sa bayan ng Bansud upang makapagsimula ng negosyo ngayong pagpasok ng taong 2024.

Matapos ang pangangalap ng datos at assessment ng pamahalaang lokal sa mga benepisyaryo ay agad na ipinadala sa tanggapan ng DoLE ang mga dokumento upang agad na maproseso para sa ipamamahaging 21 Negosyo-Kariton (Nego-Kart) at isang Ice Cream Processing Equipment.

Ayon kay Public Employment Service Office (PESO) Manager Marydel Rodriguez, “Bawat isang kariton ay nagkakahalaga ng P30,000 pati ang pagawaan ng ice cream na may kabuuang halaga ng P660,000.00 na nagmula sa DoLE para sa mga displaced workers, ambulant vendors, mga may kapansanan, solo parent na nawalan ng trabaho, gayundin ang mga naapektuhan sa nakalipas na Covid-19 pandemic, oil spill at road widening at iba pa.”

Sinabi pa ni Rodriguez, nais ni Mayor Ronaldo Morada na mabigyan ng pagkakataon ang mga nangangailangan ng tulong lalo sa mga Bansudeño na nais maghanap-buhay.

Dumalo rin si Livelihood Focal, Ramezes Torres at Dave Evangelista ng DoLE para sa nasabing turn-over ng mga Nego-Kart at ice cream processing equipment at si Municipal Administrator Jimmy Rivera na kumatawan kay Mayor Morada at iba pang opisyales ng lokal na pamahalaan. (DPN/PIA Mimaropa – Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -