24.7 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Andas ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, likha ng Sarao Motors para sa Traslacion 2024

- Advertisement -
- Advertisement -

SA pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno, ang tema ngayong taon ay “Ibig naming makita si Hesus.” Ang pamunuan ng Quiapo Church ay nagkaroon ng isang patimpalak para sa bagong disenyo ng andas kung saan mas makikita ang poon ng mga libo-libong deboto sa kanyang Traslacion ngayong Enero 9, 2024.

Muling pinagkatiwala sa ipinagmamalaki ng Las Piñas na Sarao Motors ang paglikha ng bagong andas kung saan ay bullet proof at mas makikita ng mga deboto ang poon dahil sa nilagyan ng ilaw sa loob ang andas.

Para din sa kaalaman ng lahat, ang Sarao Motors ang siya ring gumawa ng mga naunang andas na ginamit mula taong 2010 hanggang 2020.

Ang kasaysayan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno ag nagsimula noong taong 1606 nang dalhin ang poon sa Maynila mula sa Mexico. Binigyang pagkilala naman ang debosyon sa mahal na poon taong 1620 ni Pope Innocent X. Inatasan naman ni Manila Archbishop Basilio Sancho de Santa Justa na magkaroon ng Traslacion at ilagak ang “Nazareno ng Mahihirap” sa simbahan ni San Juan Bautista na mas kilala ngayong Quiapo Church.

Kaisa ang Pamahalaang lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ni Las Piñas City Mayor Mel Aguilar at Las Piñas City Tourism and Cultural Office sa pamumuno ni City Tourism Head Paul Ahljay San Miguel sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

Larawan mula kay AC Salonga at Charlie Dungo ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila

Teksto halaw sa Facebook page ng City of Las Pinas

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -