BILANG pagkilala sa Pista ng Itim na Nazareno, nag-post si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang Facebook page na Bongbong Marcos ng tungkol sa kanyang saloobin.
“The Feast of the Black Nazarene is testament to the Filipino Catholic community’s unwavering piety and steadfast faith.” (“Ang Kapistahan ng Itim na Nazareno ay patunay ng hindi natitinag na kabanalan at matatag na pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino.”)
Umaasa ang Pangulo na ang mga katangiang ito ang magbubuo sa Bagong Pilipinas.
“May our reverence build a society with justice and compassion—a Bagong Pilipinas that embodies the values of unity, empathy, and progress for all its people. (Nawa’y ang ating pagpipitagan ay bumuo ng isang lipunang may katarungan at habag — isang Bagong Pilipinas na pinahahalagahan ang pagkakaisa, empatiya, at pag-unlad para sa lahat ng mga mamamayan nito.)