28 C
Manila
Sabado, Hulyo 27, 2024

𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐭𝐢𝐧𝐥𝐮𝐩𝐞ñ𝐨

- Advertisement -
- Advertisement -

MALAKING achievement para kay Donisia Biñas ang mapag-aral ang kanyang limang anak. Kapos man sa buhay, itinataguyod nilang mag-asawa ang pamilya. Siya ay isang volunteer helper sa school canteen at walang inaasahang buwanang sweldo.

Laking tuwa ni Nanay Donisia nang malaman niyang magkakaroon ng 1st Tranche Educational Assistance Distribution sa Victoria Elementary School.

Para sa kanya, malaking tulong ang natanggap ng dalawang anak na sina Alden at Daniela (parehong Grade 1) para sa pagbili ng gamit sa paaralan, baon araw-araw, at pamasahe patungong eskwelahan.

“Maraming salamat po Mayor Ruffy Biazon at sa Muntinlupa Scholarship Division at sa pag-asang mapapagpatuloy ang pag-aaral ng dalawa kong anak dahil sa scholarship na natatangap mula sa Pamahalaang Lungsod,” ayon kay Nanay Donisia. Teksto at larawan mula sa Facebook page na City Government of Muntinlupa – Official

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -