TINANGGAP ng nasa 1,589 magsasaka mula sa bayan ng Pinamalayan ang ayudang pinansiyal na P5,000 mula sa Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Pinamalayan na pinamumunuan ni Mayor Aristeo Baldos Jr. noong Enero 9.
Ang nasabing mga benepisyaryo ay kinabibilangan ng mga magsasaka o nagmamay-ari ng dalawang ektaryang palayan pababa na naka rehistro sa Farmer Intervention Management System (FIMS) para magamit sa pagsasaka, pangingisda at paghahayupan.
Samantala, nagbigay ng direktiba ang punong ehekutibo kay municipal agriculturist Danny Villacrusis, upang patuloy na makipag-ugnayan sa punong tanggapan ng DA para sa iba pang posibleng ayuda na sakop ng sektor ng agrikultura sa nasabing munisipalidad. (DN/PIA MIMAROPA – Oriental Mindoro)