MATAGUMPAY na napondohan ang pagpapatayo ng 132 na bagong Super Health Centers (SHC) ngayong taong 2024. Dadagdag ito sa nauna nang 307 at 322 SHCs para sa year 2022 at 2023.
Ang pagpapalawak na ito ay parte ng General Appropriations Act of 2024 na ipinaglabang mapondohan ni Senator Bong Go sa Senate budget deliberations bilang chairman ng Senate Committee on Health at vice chairman ng Senate Committee on Finance.
Ikinatuwa ni Senator Kuya Bong Go ang tuloy-tuloy na pagrami ng bilang ng SHC sa bansa. Nanawagan naman siya sa Department of Health na siguraduhin na tama at hindi masasayang ang pondo para sa pagpapatayo ng SHCs.
Ang pagpapalawak na ito ay inaasahang mas magbibigay pa ng abot-kayang serbisyong medikal sa bawat Pilipino, lalung-lalo na sa mga kababayan nating nakatira sa mga liblib na lugar. Mula sa Facebook page ni Bong Go