SA unang buwan ng 2024, hinikayat ni Senator Loren Legarda ang lahat na gawin ang wastong pamamahala ng basura at hinimok ang mga namumuno na mahigpit na ipatupad ang ecological waste management.
Ayon kay Legarda, “Sa pagbubukas ng bagong taon, hinihikayat ko ang lahat na maglinis ng kapaligiran at isagawa ang wastong pamamahala ng basura, at hinihimok ko ang mga namumuno na mahigpit na ipatupad ang ating ecological waste management laws.”
Dagdag pa niya, “Bilang may-akda ng tatlong mahahalagang legislative measures — ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (RA 9003), Zero Food Waste Act of 2022 (SB No. 240), at Single-use Plastic Products Regulation Act (SB No. 246) — palagi kong isinasama ang kahalagahan ng partisipasyon ng pamahalaan sa waste management at lahat ng uri ng ecological movement.”
Bati pa niya, “Happy Clean-Up Week! Oras na para simulan ang 2024 nang may malinis na kapaligiran at kaugalian.”