27.9 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

NGCP, balak kasuhan bilyones na halaga ng danyos hinihingi ng taga- Rehiyon 6

- Advertisement -
- Advertisement -

HUMAHARAP sa posibleng pagbabayad ng bilyon-bilyong danyos ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kung mapapatunayan na may pagkukulang ito sa naganap na apat na araw (mula Enero 2 – 5, 2024) na blackout sa buong Isla ng Panay kamakailan.

Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng insidente, inihayag ng mga gobernador at alkalde ng naapektuhang lalawigan at lungsod na nais nilang mabayaran sila dahil sa malaking pinsalang idinulot ng ilang araw na pagkawala ng kuryente.

“Iloilo and the rest of Region VI, we are positioning to take legal recourse to be compensated for the damage done, and exert strongest pressure so that the blackout will not happen again,” pahayag ni Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr.

Ang Guimaras Island, Iloilo, Antique, Aklan, at Capiz ang mga lalawigan na naapektuhan ng blackout.


Idinagdag pa ni Defensor na kinakailangang mapatibay ang grid upang hindi na maulit ang pangyayari. Aniya dapat perpektuhin ang pisikal na istraktura at pamamahala ng grid at tapusin na ang phase 3 ng Cebu Negros Panay (CNP) backbone at iba pang istraktura na magpapatibay dito.

Mariing inihayag naman ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na kinakailangan silang mabayaran dahil sa matinding perwisyo na idinulot ng blackout.

Umabot aniya sa P2 bilyon ang pinsala sa kaniyang lungsod o P500 milyon kada araw.

Sa kabuuan, umaabot sa P5.2 bilyon halaga ng pinsala ang idinulot ng insidente, ayon kay Senador Win Gatchalian sa pagsisimula  ng pagdinig ng Senate Commitee on Energy na pinangunahan ni Senador Raffy Tulfo nitong Enero 10.

Ayon kay Gatchalian, may dalawang milyong konsyumer ang nawalan ng kuryente sa loob ng 164 oras na umabot ng apat na araw.

“Sa panahon ngayon hindi na tayo mabubuhay ng walang kuryente. It is important not to repeat this again,” aniya.

Philippine Grid Code Review

Para naman kay Senador Chiz Escudero, mahalaga aniya na ma-review ang Philippine Grid Code na bumabanggit lamang sa aksyon na maaaring ikilos ng isang system operator (SO) kung frequency ang may diprensya. Wala aniyang nabanggit dito kapag unbalance o voltage na ang naging problema.

Magkagayunman, binigyang-diin ni Escudero na tatlo ang may kinalaman sa pagbibigay ng kuryente sa mga konsyumer at ang mga ito ay ang mga power producers gaya ng Panay Energy Development Corp. (PEDC) , transmission companies gaya ng NGCP, at distributors gaya ng mga electric cooperatives.

Nais naman ni Guimaras Gov Joaquin Carlos Rahman A. Nava na tingnan rin ang paniningil sa kanilang lalawigan para sa “swinging reserves” na nasa 30 hanggang 50 porsyento ng buwanang singil ng kanilang kuryente.

“Paying that much monthly to guarantee incidents such as this will not happen is too much for us consumers. This should be put under review,”  aniya.

 

Bakit nag-blackout

 

Ayon sa pahayag ni  Independent Electricity Market Operator of the Philippines, Inc. (IEMOP) Chief Operations Officer Robinson Descanzo, nagsimula ang aberya nang may masira sa planta ng PEDC dahilan para bumaba ang isinusupply nitong kuryente ngunit ito ay nasolusyunan sa pamamagitan ng pagkuha sa Negros Cable ng karagdagang megawatts.

Ngunit hindi lamang aniya megawatts ang nawala kundi voltage rin na naging dahilan ng sabay-sabay na pagkasira ang mga planta sa ganap na ika-2:19 ng hapon. Napag-alaman nila na bumagsak na rin ang load feeders ng distribution utilities. Natira na lamang aniya ay 130 MW na lahat galing sa Negros Cable kaya tuluyan nang nag-blackout.

Sa madaling salita, aniya, ang naging issue na pinagmulan ng lahat ay voltage instability.

Subalit, ayon kay Engr.  Clark Agustin, head ng Visayas System Operations ng NGCP, base sa kanilang datos “normal” ang sistema kung kaya hindi sila gumawa ng manual corrective action base sa Philippine Grid Code.

“Meaning, the voltages, frequency, loading levels of transmission lines, our operating margin is sufficient. So, normal,” ayon kay Agustin.

Dagdag pa niya: “Between 12:06 p.m. to 2:19 p.m., since stable nga po yung grid– voltage and frequency were in normal limits within required. Wala po tayong overloaded line or tripping of lines. So, we did a normal dispatch, process, responsibility as system operations.”

Binatikos naman ni Senador Tulfo ang paulit-ulit na pahayag ni Agustin na “normal” ang sistema.

“Panay ang banggit mo ng normal condition. Hindi na nga normal yung condition. Nagkaroon na ng tripping eh. Dapat nung nakita niyo na nagkaroon ng tripping.,  there must be a problem and then find out what is the problem kung paano bigyan ng solusyon yung problema bago lumala,” ani Tulfo.

Sundan ang huling bahagi

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -