27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Si Dr. Jose Rizal: Makata, Mandudula

- Advertisement -
- Advertisement -

KAPAG binanggit natin si Jose Rizal, kagyat na papasok sa ating isip ang dalawang pamosong nobela niya – ang Noli me Tangere (Touch Me Not)  at ang El Flibusterismo (The Filibuster). Hindi tuloy masyadong naitatampok ang pagiging makata at mandudula ng ating bayani. Matindi kasi ang naging impact ng mga naturang nobela sa nangyaring himagsikan noon. Ang bayaning si Andres Bonifacio rin ay sinasabing na-inspire din sa dalawang nobelang ito ni Rizal upang isulong ang himagsikan.

Bilang makata, ang natatandaan ng marami na ginawa ni Rizal ay ang tulang alay niya sa mga kabataan: ang ‘A la juventud filipina’ (To the Philippine Youth). Gayon din ang pamosong  ‘Ultimo Adios’ (Last Farewell) na inipit ni Rizal sa isang lampara bago ibinigay sa isang kapatid na babae isang araw bago ang pagbaril sa kanya sa Bagumbayan (ngayo’y Luneta). Nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang orihinal na kopya ng Ultimo Adios nang minsang makabisita ako sa National Library of the Philippines. Nasa vault ito ng pambansang aklatan; kasama ng mga orihinal na manuskrito ng Noli Me Tangere at El Fibusterismo. Sa isang section ng library, nakaipit ang kapirasong papel na ito sa isang makapal na libro. Nandun pa rin ang marka ng mga tupi (dahil ipinuslit lamang ito sa ilalim ng lampara). Ito ang tinutukoy ni Rizal nang pabulong niyang sabihin kay Narcisa na ‘there’s something inside’ habang inaabot dito ang kanyang lampara sa piitan.

Halos isang dangkal ko lang pahaba ang sukat ng sinulatan niyang papel. Ang napansin ko sa tula ay ang kawalan ng pamagat nito. Naisip ko na tayo lang pala ang nagbigay ng pamagat dito: Ultimo Adios (isinalin bilang ‘Last Farewell,’ ‘Huling Pahimakas’). Nakasulat ang tulang ito sa magkabilaang side ng papel.

Pero hindi lamang dalawang tula ang kanyang sinulat.  Aabutin yata ng talong dosena ang kalipunan ng mga tulang sinulat niya. Saan ito matatagpuan?


Kamakailan ay muling inilabas ng Far Eastern University (FEU) Press ang pangalawang paglilimbag (second printing) ng aklat na The Complete Poems and Plays of Jose Rizal. Isinalin ang mga akdang ito sa English mula sa orihinal nitong Spanish ng namayapang Nick Joaquin, ang ating Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. At hindi lang basta pagsasalin ang ginawa ni Nick Joaquin, nagbigay din siya ng mga tala/anotasyon kay Rizal bilang makata/manunulat.

Taong 1976 nang una itong mailathala ng FEU sa panukala ni. Josephine Cojuangco-Reyes na noo’y nanunungkulan bilang vice president for Academic Affairs. Nitong 2023, isang bagong edisyon ang inilabas ng FEU. Sa pabalat ng aklat ay mapapansin na nakasuot ng jeans na jacket si Rizal bilang pag-abot sa bagong henerasyon ng mambabasa. Ginawa ni Rondy ‘Roncab Lagalag’ Cabiles ang book at cover design ng aklat.

Naglalaman ang aklat ng 37 tula at tatlong dula na sinulat mismo ng ating pambansang bayani.

- Advertisement -

Heto ang tatlong dulang sinulat ni Rizal: San Eustaquio, Martir/St. Eustachius, Martyr (isang trahedya sa limang yugto); The Council of the Gods (isang allegory sa isang yugto); at ang Junto al Pasig/Beside the Pasig (dulang sarsuwela na may isang yugto).

Hinati ni Nick Joaquin sa tatlong bahagi ang kalipunan ng mga tula at dula ni Dr. Jose Rizal. Tinawag niya itong Early Period, Middle Period, at The Final Period. Ang sinasabing unang tula na sinulat ni Dr Rizal ay noong wala pa siya sa gulang na dose; nakasulat sa Tagalog, at tungkol sa Tagalog. Pinamagatang ‘Sa Aking mga Kabata.’ Dito niya binanggit ang linyang naging popular sa marami. Heto ang ilang saknong (at alam kong natatandaan n’yo pa):

Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda,

Kaya ang marapat pagyamaning kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala

- Advertisement -

 

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin.

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel

Sa pagka ang Poong maalam tumingin

Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin

Sinasabing mabunga ang panulat ni Rizal mula edad 13 hanggang 19. Dito niya nasulat ang ‘A la juventud Filipina.’ Nakagawa din siya ng mga soneto: ang A Filipinas at A la Virgen Maria. Sinasabing ang obra maestra ng kabataan ni Rizal ay ang sarsuwelang Junto al Pasig, ang akdang nagsilbing pamamaalam niya sa kanyang kabataan.

Sa Middle Period ng yugtong buhay ni Rizal, binanggit ni Nick Joaquin na ang isang mahalagang tulang sinulat ni Rizal sa Europa ay ang ‘A la Srta. C.O.y R (To Miss C.O.y R). Ibang-iba raw ang tulang ito ni Rizal na di mo iisiping siya ang may akda. Ito raw kasi ang panahong malaki na ang naging impluwensiya ng Europa kay Rizal at ito ay masasalamin sa kanyang panulat. Moderno ito. Hindi na gaanong sumunod sa nakagawiang may sukat at tugma. Kung meron mang tugmaan, ito’y kakaunti lamang. Mas naging malaya raw ang panulaan ni Rizal nang siya ay nasa Europa kahit pa sinasabing mas konserbatibo si Rizal pagdating sa pagtula. Hindi tiyak kung sinong mga makatang taga-Europa ang nakaimpluwensiya sa kanya. Ayon kay Joaquin, sa unang taon daw nang paninirahan ni Rizal sa Espanya, sa bawat anim na librong bibilhin ni Rizal, isa lamang dito ang tungkol sa Medisina . Ang lima ay tungkol sa Panitikan.

Sa Final Period ng panulat ni Rizal, ayon pa rin kay Joaquin, “from the literary viewpoint, the thing to note is that Rizal the seer speaks more darkly in his verse than in his prose.” Dagdag pa ni Joaquin patungkol kay Rizal, “his vocation was for the literary or scientific cloister, but the need of his country was for a hero and, after resisting his fate for a lifetime, he finally acquiesced, abandoning that ship for Cuba and preparing himself for immolation.”

Sinasabing kung may limang tulang magsisilbing pananda ni Rizal sa panitikan, ito ay ang mga sumusunod: A la Srta. C.O. y R (To Miss C.O. y R); A las Flores de Heidelberg (To the Flowers of Heidelberg); A mi… (To My…); Canto del Viajero (Song of the Wanderer); at ang Ultimo Adios (Last Farewell).

Heto ang ilang saknong mula sa tulang ‘To the Flowers of Heidelberg’ (mula sa salin ni Nick Joaquin):

Carry, carry, O flowers

My love to my loved ones

Peace to my country and its fecund loam,

Faith to its men and virtue to its women,

Health to the gracious beings

That dwell within the sacred paternal home.

 

When you reach that shore,

Deposit the kiss I gave you

On the wings of the wind above

That with the wind it may rove

And I may kiss all that I worship, honor, and love!

Maaaring magpadala ng email sa [email protected] kung nais bumili ng kopya ng aklat na ‘The Complete Poems and Plays of Jose Rizal.’

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -