29.9 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

Sen. Revilla dumalo sa Ciudad Kaunlaran Housing Project na pinangunahan ni Pangulong Marcos

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa kanyang Facebook page ang pagdalo niya sa inagurasyon ng Ciudad Kaunlaran Housing Project sa Bacoor, Cavite na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero 12, 2024.

“Tayo po ay dumalo sa groundbreaking at inagurasyon ng Ciudad Kaunlaran Housing Project sa Bacoor, Cavite na pinangunahan ng ating Pangulong Bongbong Marcos ngayong umaga.”

Dagdag pa ng Senador, “Karangalan ko pong masaksihan ang pagsisimula ng napakagandang proyektong ito na bunga ng layunin ng ating pamahalaan na makapagtayo ng mga pabahay sa ngalan ng paglikha ng malusog at pangmatagalang komunidad, hindi lamang sa Lungsod ng Bacoor kundi sa iba’t ibang bahagi rin ng ating bansa.

“Lubos tayong nagpapasalamat sa suporta ng ating mahal na Pangulo sa katuparan ng proyektong ito ng National Housing Authority (NHA) tungo sa kapakinabangan ng bawat pamilyang Pilipinong nangangailangan ng marangal na tahanan.”

Nangako rin si Bong Revilla ng suporta, “:Kaisa tayo sa sama-samang pagbangon.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -