27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Masagana Agri-Food Infrastructure Modernization Program suportado ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS mag-presenta ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ng kanyang tatlong taong plano para sa sektor ng agrikultura para masigurado ang food security, nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang suporta sa mga planong inilatag sa kanyang Facebook page na Bongbong Marcos.

Ayon sa Pangulo, “Murang pagkain at mataas na kita para sa mga magsasaka’t mangingisda — iyan pa rin ang layunin ng Masagana Agri-Food Infrastructure Modernization Program at ng inilaan nating  P93 bilyon para rito.”

Dagdag pa niya, “Sa tulong ng cold storage at postharvest facilities sa bansa, pati na rin ng information system na ipatutupad ng DA, mababawasan na ang ani at isda na nasasayang.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -