27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Tourism Sec. Frasco kinilala ang redevelopment plan ng QC Government sa Quezon Memorial Circle

- Advertisement -
- Advertisement -

PINURI ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang redevelopment plan ng QC Government sa Quezon Memorial Circle.

Ayon sa kalihim, nararapat lamang na suportahan ng national government ang nasabing proyekto na layong pagbutihin pa ang kalidad ng pamumuhay ng bawat QCitizen sa pamamagitan ng mga inisyatibang isinusulong ng lokal na pamahalaan.

Bahagi ng redevelopment plan ng Quezon Memorial Circle ang pagpapalawak at pagpapaganda sa mga green spaces sa parke at pagtatampok sa mayamang kultura at kasaysayan ng Quezon City upang mas palakasin pa ang turismo sa lungsod. Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ng Quezon City Government

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -