27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

LandBank: Mag-ingat sa ‘Marites’ sa ATM

- Advertisement -
- Advertisement -

KUNG ikaw ay magwi-withdraw ng pera sa ATM, paalala ng LandBank na mag-ingat sa mga ‘Marites.’

Ayon sa LandBank, ang mga ‘Marites’ ay ang ang mga feeling close at sumisilip pa sa iyong ginagawa. Ito ay maaaring ‘shoulder surfing.’

Mag-ingat sa mga ganitong klaseng tao. Lilinlangin ka lang nito para makuha ang iyong personal info lalo na ang iyong personal identification number o PIN.

Para maiwasan maging biktima, narito ang ilang tips upang makaiwas sa mga shoulder-surfers:

Ugaliing takpan palagi ang PIN kung ito ay ie-enter. Maaaring gumamit ng card, wallet, o ang iyong kamay sa pagtakip nito.

Maging mapagmatyag sa lugar. Be aware sa kung sino ang nasa paligid. Maiging lumipat ng lokasyon kung di ka komportable.

Iwasang i-share kahit kanino man ang iyong PIN. Ang LandBank ay hindi kailanman hihingin ito. Kapag may humingi, ito ay malamang na Scam.

Piliin ang ATM na gagamitin. Pumili ng ATM na nasa maliwanag at secure areas, preferably sa loob ng bangko or branch.

I-report ang anumang kahina-hinalang transakyson sa LandBank Customer Care Hotline sa (02) 8-405-7000 or 1-800-10-405-7000 (PLDT Domestic Toll-Free Number) o mag email sa [email protected]. (Landbank/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -