NAGBIGAY ng pahayag si Senator Jose “Jinggoy” Ejercito Estrada sa kanyang Facebook page matapos na ma-acquit siya ng Sandiganbayan sa kasong plunder sa 2013 Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na ang utak ay si Janet Napoles.
“After more than a decade, I am more than grateful to have been acquitted of the plunder charges. This exoneration not only impacts my personal and political life but also that of my family as well.”
Dagda pa niya, “Noon pa man ay paulit-ulit ko ng sinasabi na inosente ako sa mga ibinabatong paratang sa akin. Hindi ako kailanman nagpayaman gamit ang kaban ng bayan. At hindi ko kailanman inabuso ang posisyon ko at ang tiwala na binigay ng taong-bayan.
Nagpapasalamat ako sa Sandiganbayan justices dahil kinatigan nila ako sa kasong plunder. Ngunit hindi pa rin lubos ang pagtatapos ng laban. As a public servant, nais kong lubusang linisin ang pangalan ko kahit abutin pa ito ng ilan pang taon para patunayan na wala akong tinangap o sinuhulan — direct man o indirectly. “
Sinabi rin niya na “My faith in our judicial system has not wavered despite what happened, the reason why there will be no letup in pursuing the truth and clearing my name. I owe this to my supporters, especially my family who stood by me throughout the trial.”
Gayunpaman, hinatulan ng korte na si Estrada ay nagkasala ng isang count ng direct bribery at dalawang counts ng indirect bribery, na may hatol na pagkakulong ng hanggang 12 taon at posibleng disqualification mula sa pampublikong opisina.
Ito ang naging pahayag ni Estrada, “I have been exonerated from plunder, and I will tell my lawyers to express all remedies and all legal systems available for me,” (“Ako ay pinalaya mula sa pandarambong, at sasabihin ko sa aking mga abogado na ipahayag ang lahat ng mga remedyo at lahat ng mga legal na sistemang magagamit para sa akin.”