28.6 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

Pagbubukas ng Expanded Petrochemicals Manufacturing Complex ng JG Summit Olefins Corp magbubukas ng maraming trabaho

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG bagong bukas na Expanded Petrochemicals Manufacturing Complex ng JG Summit Olefins Corporation ay inaasahang magbubukas ng maraming trabaho, mas mataas ng kita at oportunidad sa mga komunidad sa Batangas City.

Sa inagurasyon na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Enero 19, sinabi ng Pangulo na ang pagpapalaki ng una at natatanging  naphtha cracker plant sa bansa, nap ag-mamay-ari ng JG Summit Olefins Corporation ay magpapalakas sa manufacturing industriya ng bansa.

Ayon sa post ng Pangulo sa Facebook page ng Presidential Communications Office, “Ang pagbubukas ng Expanded Petrochemicals Manufacturing Complex ng JG Summit Olefins Corporation sa Batangas ay resulta ng mga magandang polisiya na nakapag-iimbita ng pamumuhunan at oportunidad para sa mga Pilipino.”

Binigyang-diin ni PBBM ang layunin ng pamahalaan na wakasan ang red tape at bumuo ng business environment na magpapadali sa pagnenegosyo at makabubuti sa ekonomiya ng bansa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -