27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Hontiveros: Hindi ChaCha ang lunas sa mga totoong problemang ng mga Pilipino ngayon

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa post ni Senador Risa Hontiveros tungkol sa Charter Change sa kanyang Facebook page, ito ang kanyang pahayag.

Graphic mula sa Facebook page ni Senator Risa Hontiveros

“Klaro ang daing ng taumbayan — patuloy  na pagtaas sa presyo ng bilihin, kakulangan ng trabaho at kita ng manggagawa, sirang sistema ng pampublikong transportasyon, at isang pamahalaan na tila walang pananagutan at tugon sa mga totoo nilang pangangailangan.

“Mandato ng Saligang Batas na gawing prayoridad ng gobyerno ang pagpuksa sa kahirapan, paglaban sa ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan, pag-protekta sa karapatan ng manggagawa, at paniniguro na lahat ng Pilipino ay may oportunidad na pagandahin ang kanilang buhay.

“Ang solusyon dito — tapat  na pamamahala at pagsasabuhay sa mga mandato ng 1987 Constitution, hindi ang pagwawaksi nito para pansariling interes.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -