27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Kahalagahan ng malinaw na komunikasyon, isusulong ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

SA isang cabinet meeting, binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng malinaw na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at publiko sa ilalim ng Bagong Pilipinas Initiative. Alinsunod sa layuning ito, ilulunsad ng Presidential Communications Office ang Bagong Pilipinas Kick-Off Rally sa Enero 28, 2024.

Iprinisenta naman ng Department of Public Works and Highways ang mga hakbang para sa agarang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura sa bansa sa sumunod na sectoral meeting.

Dagdag pa rito, tumanggap din si PBBM ng update sa pagpapatupad ng eLGU na layuning gawing digital at mas madali ang paghahatid ng serbisyo ng mga lokal na pamahalaan. Teksto at mga larawan mula sa Presidentila Communications Office Facebook page

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -