28.1 C
Manila
Lunes, Oktubre 14, 2024

PBBM nangakong kukumpletuhin ang restoration ng Lung Center of the Philippines

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-PUGAY ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtutulungan ng Lung Center of the Philippines (LCP) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa paglunsad ng Lung Transplant Program na mapapakinabangan ng pulmonary health patients sa bansa. Kasabay nito, nangako rin ang Pangulo na kukumpletuhin ang restoration ng LCP.

“We will be coming to you again so that we can complete the rebuilding,” sabi ni Pangulong Marcos na ang tinutukoy ay si Sen. Sonny Angara na mahigpit na sumuporta sa pagbubuo ng lung transplant program.

Ipinaigting din ng Pangulo ang layuning makapagtayo ng 179 na specialty centers sa buong Pilipinas pagdating ng 2028. Ito’y dagdag pa sa 131 na naitayo na sa pamamagitan ng Regional Specialty Centers Act. Halaw sa Facebook page ng Presidential Communications office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -