30.6 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Agawan ng teritoryo: Pilipinas, Tsina paiiralin ang diplomasya, komunikasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

DIPLOMASYA ang pananaigin kahit na nag-aagawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ang Tsina at Pilipinas, ayon sa napagkasunduan sa isang pagpupulong ng dalawang bansa kamakailan.

Dito sa walang date na handout photo na natanggap mula sa Philippine Coast Guard noong Abril 25, 2021, nagsasagawa ang mga coast guard ng maritime exercise malapit sa Thitu Island sa pinag-aagawag South China Sea. TMT FILE PHOTO MULA SA PHILIPPINE COAST GUARD

Sa ginanap  na ika-walong Bilateral Consultation Mechanism ng dalawang bansa sa Shanghai, napagdesisyunan na magkaroon ng patuloy na komunikasyon at iwasan ng magkabilang panig na palalain ang tensyon sa naturang lugar.

Patuloy na nagbabantay ang mga sundalong marino ng Tsina sa karagatan malapit sa Bajo de Masinloc o kilala sa mundo na Scarborough shoal na malapit sa Zambales.

Gayundin, patuloy din ang tensyon sa pagitan ng mga Tsino at Pilipinong mangingisda sa Kalayaan Group of Islands na nasa bandang Palawan.

Inaangkin ng Tsina ang mga islang ito base sa kasaysayan; ibinasura nito ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA), isang intergovernmental organization na may observer status sa United Nations, na nagreresolba sa mga dispute ng mga bansa.


Sa kabila ng ruling ng Arbitration Court, hindi ito tinanggap ng Tsina at patuloy na isinagawa ang pag-aangkin sa pamamagitan ng patuloy na pagbabantay at pagmamanman sa West Philippine Sea.

Hinahadlangan nila ang mga aktibidad ng mga mangingisda at rotation and reprovision mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga islang ito.

Sa kabila ng usapang ito, hindi pa rin tumigil ang mga Tsino sa kanilang masamang pakikitungo sa mga Pilipino na napapadako sa mga pinag-aagawang isla.

Ilang araw lamang matapos ang BCM sa Shanghai, napabalita agad na nang-harass na muli ang mga sundalong Tsino.

- Advertisement -

Ayon sa  mga mangingisdang Pilipino, hinarang sila ng mga sundalo ng Chinese Coast Guard habang nangunguha ng mga kabibe sa Bajo de Masinloc (Panatag Shoal) nitong Enero 12.

Pinigilan umano ang isang bangkang pangisda at hindi pinayagang makaalis na dala ang mga napanguhang kabibe.

Nakuhanan ng video ang kaganapang ito ng isa pang mangingisdang Pilipino na sakay ng isa pang bangka.

Noon namang Agosto 5, nabigo ang AFP sa kanilang RoRe mission sa Ayungin shoal sa Kalayaan Island Group dahil sa pagharang din sa kanila ng Chinese Coast Guard.

May mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa nakasadlak na BRP Sierra Madre, isang landing ship ng AFP at dating pagmamay-ari ng Estados Unidos na ginamit noong World War II, sa batuhan malapit sa Ayungin shoal. Bagama’t kinakalawang at sira na, nagsisilbi itong military post at pagpapakita ng pagmamay-ari sa naturang terirotoryo ng Pilipinas.

Ayon sa kay Col. Medel Aguilar na tagapagsalita ng AFP, ang Ayungin Shoal ay may estratehikog importansya sa Pilipinas at ito ay lugar ng pangisdaan ng mga mangingisdang Pilipino.

- Advertisement -

“Ang misyon ng RORE sa shoal ay isang malinaw na pagpapakita ng aming determinasyon na manindigan laban sa mga pagbabanta at pamimilit, at ang aming pangako sa pagtataguyod ng Rule of Law,” aniya.

Ang pagdepensa ng Pilipinas sa mga maritime zones nito, ayon kay Aguilar, ay apirmasyon nang pagsuporta ng bansa sa mapayapang paraan ng pagresolba sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Ayon sa naunang ulat ng Pinoy Periodiko sa panayam kay Atty. Jay Batongbacal ng UP College of Law, Institute of Maritime Affairs and Law of the Sea, noong 2000, lahat ng mga bansa sa Southeast Asia ay nag-umpisa na mag-implement ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) nang nagkabisa na ito noong 1994. Taong 2009, lahat ng maliliit na bansa sa Southeast Asia nagdesisyon sila na ia-align ang kanilang mga claim base sa international law.

“So, iyong Vietnam at saka iyong Malaysia nagkaroon ng isang claim para sa isang extended continental shelf, nilinaw nila bale claim nila ‘yung mga parte-parte—‘yung Vietnam, ‘yung mga isla ng Spratlys…” ayon kay Batongbacal.

“Iyong sa Malaysia ilang parte lang. Pero iyong katubigan base pa rin sa UNCLOS. Ang Pilipinas nag-enact noong RA 9522, sinabi natin sa RA 9522 na itong mga isla na ito… sa Spratlys natin, iyong Kalayaan Island Group base ‘yan sa—iki-claim natin iyan at saka iyong katubigan niyan base sa UNCLOS din.”

Kung ang mga bansa sa Southeast Asia ay gumagamit na ngayon ng international law na UNCLOS, hindi ang Tsina.

Sa ilalim ng UNCLOS, naaayon sa batas at lehitimo ang mga claim ng mga Southeast Asian nations sa kanilang mga EEZ at continental shelf na hindi papabor sa Tsina.

Ibinase ng Tsina ang kanyang claim sa South China Sea sa historic right, historic facts o historic waters na wala namang basehan lalo na kung UNCLOS ang gagamitin.

“Kasi sa UNCLOS, puwede mo lang gamitin ang historic rights/historic waters sa mga bay, bays and gulfs na talagang kinilala na historic waters. Eh iyong South China Sea never iyang kinilala ng historic waters ng China kahit ba iyong pangalan niya is South China Sea, hindi noon ibig sabihin na pag-aari ito ng China,” paliwanag ni Batongbacal.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -