27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Reaksyon ni Sen Nancy Binay sa desisyon ng Comelec na suspendihin ang People’s Initiative

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG si Senador Nancy Binay ng kanyang saloobin sa desisyon ng Comelec na suspendihin ang People’s Initiative.

Aniya, “We welcome the position taken by the Comelec en banc to suspend all proceedings in matters relating to the controversial people’s initiative to amend the Constitution.” (“Malugod naming tinatanggap ang posisyong kinuha ng Comelec en banc na suspindihin ang lahat ng mga paglilitis sa mga usapin na may kinalaman sa kontrobersyal na inisyatiba ng mga tao na amyendahan ang Konstitusyon.”)

Dagdag pa niya, “Pero sa kabila nito, nanindigan pa rin tayo na dapat mas paigtingin pa natin ang pagbabantay sa umiikot na pagpapapirma sa ating mga purok, barangay, sa mga kalsada’t plaza, sa mga pagpapatipon, at iba pang lugar.

“Sa nakalipas na ilang linggo, saksi po ang ating mga kababayan kung paano sinubukang ilusot ang pekeng people’s initiative.

“Maging mapanuri pa rin — at  huwag po tayong magpaloko.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -