27 C
Manila
Sabado, Abril 13, 2024

Samahan ng mga solo parent sa Boac, palalakasin ng LGU

- Advertisement -
- Advertisement -

PALALAKASIN ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang samahan ng mga solo parent sa Boac, Marinduque.

Unang inorganisa ng MSWDO ang Solo Parents Association sa Brgy. Tabi kung saan ay nasa mahigit 50 solo parents ang nakiisa at lumahok para sa pagbuo ng organizational structure nito.

Naging tagapagsalita sa naturang gawain si Mayor Armi Carrion na nagbahagi ng kaniyang karanasan kung paano niya pinalaki at pinagtapos sa pag-aaral ang kanyang mga anak bilang isang solo parent.

Dagdag pa ni Carrion, layunin ng Boac LGU na mapabuti ang kalagayan ng bawat pamilya, lalo na ang mga bata kaya patuloy na maglalalaan ang kanyang administrasyon ng mga programang pangkabuhayan na tutugon sa pangangailangan ng mga solo parent.

Hangad din aniya ng programa na itaas ang moral at dignidad ng mga solong magulang lalo’t higit ang mapabuti ang kalidad ng buhay ng bawat pamilya ng nasabing bayan. (RAMJR/PIA Mimaropa – Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -