26.5 C
Manila
Martes, Enero 28, 2025

Iba’t ibang klase ng investment

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG) JUAN

- Advertisement -
- Advertisement -

O, Juan, masakit daw ulo mo? Bakit? Anong ginawa mo ba?

Oo, Uncle. Grabe yung seminar na inattendan ko.  Ang bigat ng topic.

Ano ba yung topic nyo?

Naku, Uncle, tungkol sa investment. Sabi kasi ng HR namin, kailangan daw namin yun para matuto kami. Para yung tinuturo mo sa akin, Uncle.

Eh bakit para kang nawindang? Hindi ba simple ang pagkaka-explain?


Oo, Uncle. Nakaka-nosebleed! Baka puwede mo kong turuan para mas maiintindihan ko.

Sige, subukan natin. Gawin nating parang Q and A.

Ano ba ang ibig sabihin ng investment?

Ang investment ay ang pagbili mo ng isang asset, instrumento o bagay na hindi mo gagamitin sa ngayon pero sa future kung saan may inaasahan kang kita o income. Sa pagbili mo, inilagak mo ang pera, oras at effort mo at meron kang ekspektasyon na kikita ang binili mo sa pagtaas ng presyo o ang halaga nito lalo na pag-binenta mo pagdating ng tamang panahon.

- Advertisement -

Paano ba mag-work ang investment?

Pag nag-invest ka, ang hangarin  mo ay kumita o magkaroon ng income sa future. Ang tawag dito ay appreciation o ang pagkakaroon ng mas mataas na halaga ng asset o bagay mula nung binili mo, kaya meron kang potensyal na profit o revenue. Halimbawa, kung nag-invest  ka sa bahay at lupa sa halagang P1.0 milyong piso nung 2014 at ang halaga na nya sa merkado ngayon ay nag-appreciate na sa 2.0 milyong piso, ang ibig sabihin nito ay kung sakaling gusto mo syang ibenta, kumita na ang investment mo ng 1.0 milyong piso o 100 porsiyento pagkalipas ng sampung taon. Yan ang Return on Investment o ROI.  ROI = (halaga ngayon ng investment – orihinal na value ng investment)/orihinal na value ng investment.

Anong kaibahan ng ipon o savings sa investment?

Ang savings ay ang proseso ng pag-accumulate o pagtatabi ng pera at walang risk o peligro dito.

Ang investment ay ang proseso ng pagtaya ng pera na may inaasahang kita, profit o revenue sa future pero may kaakibat na  risk o peligro na puedeng mag-appreciate ang halaga ng investment mo o malugi din depende sa klase ng investment at situwasyon ng ekonomiya.

Ano ang mga klase ng investment?

- Advertisement -

Ito ang mga basic investments:

A. Cash Bank Deposits

Ito ay iyung pinaka-simple sa lahat. Punta ka ng bangko at puede mong iinvest ang ipon mo sa time deposit kung saan bibigyan ka ng bangko ng interest na naaayon sa halaga ng investment, haba ng investment period at interest rate sa kasalukuyan. Sigurado ang balik ng investment mo dito.

B. Stocks o Equities

Pag may share of stock ka sa isang pribado o publikong kompanya, ikaw ay may-ari ng bahagi ng kompanyang ito. Bilang may-ari, depende sa performance ng kompanya, puwedeng magdeklara ang kompanya ng dividendo na cash o di kaya shares of stock at puwede mo itong makuha bilang shareholder o may-ari.

Ang halaga ng stocks ay nagbabago sa araw-araw dahil ito ay nasa merkado kung saan may pagbili at pagbentang nagaganap. Pag maganda ang takbo ng isang kompanya at positibo ang profitability o kita, mas maraming gustong bumili ng stock nito kaya tumataas ang presyo. Dito lumalakas ang  potensyal na kumita ang investment sa pag-appreciate ng value ng stock. Makikita ang performance ng stocks or equities sa Philippine Stock Exchange at dito rin ginagawa ang trading activities ng merkado.

Yung tinatawag na blue chip stocks ay iyong mga kompanyang matagal ng subok sa kanilang negosyo, may track record na pagdating sa performance at may mataas st malinis na reputasyon sa mundo ng komersyo dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Ito yung mga kumpanyang tulad ng Ayala, SM, Jollibee at marami pang iba. Malakas ang posibilidad na kumita ang nag-iinvest dito. Marami ang nagiinvest sa mga blue chip companies lalo na kung ikaw ay kabilang sa pulong ng mga long-term investors.

C. Bonds

Ang bonds ay instrumento na ginagamit ng gobyerno o pribadong kumpanya para mangutang mula sa investors dito sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa kanilang mga pangangailangan. Ang gobyerno ay nangungutang para pondohan ang mga publikong investments tulad ng daan, infrastructure, power, at iba pa. Ang mga pribadong kompanya naman ay nangungutang para suportahan ang kanilang expansion plans, purchases o acquisitions sa mga negosyo nila. Bilang investor ng bonds, na puedeng short-term (isa hanggang tatlong taon) o long-term (lampas ng tatlong taon), ikaw ay bibigyan ng fixed interest rate na tugma sa kasalukuyang situwasyon at sa estado ng kumpanya bilang debtor sa merkado.

D. Mutual Funds

Ang mutual funds ay pinagsama-samang pondo na galing sa iba’t ibang investors at iniinvest ng bangko, insurance companies, at mga fund managers sa stocks, bonds o iba pang securities dito  sa bansa natin o sa abroad.

Mahalaga na may galing, kredibilidad at reputasyon ang nagmamanage ng mutual funds. Kumplikado ang  takbo ng merkado na lokal at foreign. Kaya ang  trabaho ng fund managers ay kritikal para mabantayang mabuti ang oportunidad at peligro sa merkado.

E. Real Estate

Puwede ka ring mag-invest sa real property, residential man o komersyal tulad ng bahay at lupa, condominium, apartment, townhouse, farm lots, subdivision, resorts, o office buildings. Sa karanasan ng marami, wala daw nalulugi sa real estate. Ang appreciation ng value ng real properties ay kadalasang nangyayari sa pagtakbo ng panahon.

Paano ba mag-invest sa mga nabanggit na klase ng investments?

Yan ang pag-usapan natin, Juan, sa susunod. Medyo malalim ang usapin na yan. Ok ka pa ba, Juan?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -