28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

PBBM binigyang-diin ang suporta sa BARMM

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIBAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ika-17 pulong ng National Government at ng Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body kahapon, Pebrero 8, 2024, sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Binati ni Pangulong Marcos ang Intergovernmental Relations Body (IGRB) ng BARMM sa mga tagumpay nito, katulad ng pagpasa ng mahahalagang batas at pagsasabuhay ng mga mekanismo para sa pamamahala.

Ilan sa mga naipasang batas ng BARMM ay ang Bangsamoro Administrative Code, ang Bangsamoro Civil Service Code, ang Bangsamoro Education Code, ang Bangsamoro Electoral Code at ang Bangsamoro Local Governance Code.

“Another feather in your cap is the success of the Bangsamoro Board of Investments in generating P3.3 billion worth of investments in the last three months of 2023, which will employ 1,927 workers,” dagdag ng Pangulo.

Sa kanyang talumpati sa 17th IGRB Meeting, binigyang-diin ni PBBM ang layuning pakikipagtulungan ng national government para sa mapayapa at maunlad na Bangsamoro. Hinimok din niya ang paghahanda para sa matagumpay na eleksyon ng BARMM Parliament sa Mayo 2025. Halaw sa Facebook page post ng Presidential Communications Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -