25.4 C
Manila
Martes, Disyembre 31, 2024

Kuwento ng pag-asa at katatagan ng isang ina sa gitna ng trahedya

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINUWENTO ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang post sa kanyang Facebook page na Inday Sara Duterte ang kanyang karanasan sa pagbisita  sa Nueve Visayas Gymnaseum.

Aniya, “Sa aking pagbisita noong Pebrero 8, 2024 sa Nueva Visayas Gymnasium, kinamusta ko ang kalagayan ng mga pamilyang pansamantalang nananatili roon bilang kanilang evacuation center matapos gumuho ang lupain na kanilang tinitirhan sa Masara, Maco, Davao de Oro.

“Isa po sa ating nakausap ang isang ina na si Merafe. Kasama niya sa evacuation center ang tatlo niyang mga anak na ang bunso ay walong buwan pa lamang. Ikinuwento niya sa akin ang kanilang naranasan sa nasabing trahedya at hindi niya napigilang umiyak dahil sa araw na iyon ay hindi pa nakikita ang kanyang asawa na isa sa mga trabahador at pasahero ng bus na natabunan ng gumuhong lupa. Umaasa siya na mahanap na at nang makasama na nila ang kanilang padre de pamilya.

“Labis ko pong ikinalulungkot ang ganitong pangyayari kung saan makikita mo sa mga residente ang paghihinagpis at pangugulila sa kanilang mga mahal sa buhay na kasama sa gumuhong lupa. Kaya naman lagi kong pinapaalala sa aking mga kasamahan na nagsisilbi sa gobyerno na gawing prayoridad lagi ang kaligtasan ng mga mamayan.

“Iminungkahi ko rin sa mga lokal na opisyal roon na bigyan ng stress debriefing ang mga pamilyang naapektuhan ng landslide na ngayo’y temporaryong namamalagi sa mga evacuation centers lalong lalo na ang mga kabataan.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -