28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Sen Legarda tinupad ang pangakong instilasyon ng wifi sa Antique

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPOST sa kanyang Facebook page si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa natupad niyang pangako na  pag-iinstilasyon ng 150 libreng wife sites sa Antique.

Aniya, “Masaya kong ibinabalita na natupad natin ang pangakong makapag-install ng Starlink Internet sa lahat ng bayan sa aming lalawigan ng Antique!

“Ang proyektong ito ay bahagi ng ating hangarin na gawing mas magaan ang buhay ng ating mga kasimanwa at makibahagi sa pandaigdigang komunidad sa pamamagitan ng teknolohiya. Bilang inyong mga lingkod, umaasa kami ni Congressman AA Legarda na magiging daan ito para sa mas maayos na edukasyon at dagdag oportunidad sa trabaho.

“Patuloy tayong magtutulungan para sa isang Antique na mas moderno, mas konektado, at handa sa mga hamon ng makabagong panahon.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -