SA Agusan del Sur nitong Pebrero 16 ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng 3,184 na mga e-Title at Certificates of Land Ownership Award, at makinaryang pansakahan sa 1,681 na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa rehiyon. Na-turnover na rin ang halagang P194 milyong Farm-to-Market Roads.
Ipinangako din ng Pangulo ang patuloy na suporta para mapataas ang ani ng ating mga magsasaka at mapalaki ang kanilang kita, lalo na sa gitna ng banta ng El Niño. Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office