31.5 C
Manila
Sabado, Hulyo 27, 2024

Estado ng non-performing teacher education institutions ipinaparepaso ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

BALAK iparepaso ni Senador Win Gatchalian ang estado ng mga non-performing Teacher Education Institutions (TEIs) o iyong mga kolehiyong hindi pinagmumulan ng mga passers ng Licensure Examination for Teachers (LET).

Sinabi ni  Senador Win Gatchalian na plano niyang humingi ng inquiry sa status ng mga non-performing Teacher Education Institutions (TEIs) o doon sa mga paaralang nagpo-produce ng mga nakakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET). Larawan kuha ni  Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ipinahayag ito ni Gatchalian sa isang pagdinig hinggil sa naging resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA). Sa parehong pagdinig, ibinahagi ni  Dr. Edizon Fermin, chairman ng Technical Panel for Teacher Education of the Commission on Higher Education (TPTE-CHEd), na maglalabas ng isang CHEd Memorandum Order para sa unti-unting phaseout ng dalawang uri ng TEIs: iyong mga hindi maayos ang performance sa LET at iyong mga hindi nakakasunod sa pamantayan ng komisyon.

“Susuportahan nitong komite at ng EdCom ang unti-unting phaseout ng mga underperforming na mga TEIs. Matagal na naming inirerekomenda ito at tinalakay na rin natin ito sa EdCom,” pagtitiyak ni Gatchalian kay Dr. Fermin,

“May solusyon sa hindi pagkakatugma ng pre-service at in-service. Ito iyong excellence in teacher education law, kung saan pinatatag natin ang Teacher Education Council at binigyan ng mas malawak na kapangyarihan, kabilang na ang pagbibigay ng mas malaking boses sa DepEd, nang sa gayon ay matiyak ang ugnayan sa pagitan ng pre-service at in-service. Hanggang ngayon, hinihintay nating maipatupad nang ganap ang batas,” ani Gatchalian.

 

Sa ulat na pinamagatang Miseducation: The Failed System of Philippine Education, pinuna ng Second Congressional Commission on Education (EdCom II) ang mababang passing rates sa Licensure Examination for Teachers (LET) at sa mahinang quality assurance ng mga TEIs. Mula 2009 hanggang 2023, ang average LET passing rate sa elementary ay 33 porsiyento at 40 porsiyento naman para sa secondary.

Pinuna rin ng komisyon na mula 2012 hanggang 2022, 77 na mga Higher Education Institutions (HEIs) na may programang Bachelor of Elementary Education at 105 HEIs na may programang Bachelor of Secondary Education ang nagpapatuloy sa kanilang mga operasyon bagama’t wala silang mga graduates na pumapasa sa LET.

Ayon kay Gatchalian, nais niyang isagawa ang pagdinig kasama ang Senate Committee on Higher Education.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -