27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Mahigit 132k minimum wage earners, 64k kasambahay sa Davao, makikinabang sa dagdag-sahod

- Advertisement -
- Advertisement -

 MAY kabuuang 132,347 minimum wage earner sa Davao Region ang inaasahang direktang makikinabang sa pagtaas ng sahod matapos ilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region XI ang motu proprio Wage Order No. RB XI-22 noong ika-13 ng Pebrero 2024, na nagbibigay ng P19 arawang pagtaas para sa mga minimum wage earner kapag naging epektibo, at karagdagang P19 sa ikalawang tranche sa ika-1 ng Setyembre 2024.

Magiging P481 ang arawang minimum na sahod sa rehiyon para sa non-agriculture sector at P476 naman para sa agriculture sector sa sandaling ganap itong maipatupad.

Humigit-kumulang 316,558 na full-time wage at salary worker na kumikita ng higit sa minimum na sahod ang maaari ding makinabang bilang resulta ng pataas na pagsasaayos sa antas ng negosyo na nagmumula sa pagwawasto ng wage distortion.

Sector/Industry MINIMUM WAGES
Under Wage Order No. RB XI-21 First Tranche Second Tranche
Amount of Increase New Minimum Wage Rates

(Upon effectivity)

Amount of Increase New Minimum Wage Rates

Effective 01 Sept. 2024

Non-Agriculture ₱443.00 ₱19.00 ₱462.00  ₱19.00 ₱481.00
Agriculture ₱438.00 ₱457.00 ₱476.00

 Inilabas din ng Regional Board ang motu proprio Wage Order No. RB XI-DW-03, na nagtataas sa buwanang minimum na sahod ng mga kasambahay ng P500 hanggang P1,500 depende sa lugar. Ang buwanang sahod para sa mga chartered city at first-class municipality sa rehiyon ay magiging P6,000, at P5,000 para sa iba pang munisipalidad:

Area/ Location Minimum Wage Under WO No RB XI-DW-02 Amount of Increase New Minimum Wage Rates
Chartered Cities and First-Class Municipalities ₱4,500.00 ₱1,500.00 ₱6,000.00
Other Municipalities ₱500.00 ₱5,000.00

Inaasahang makikinabang ang kabuuang 64,111 na mga kasambahay sa pagtaas ng sahod kung saan ang humigit-kumulang 37 porsiyento (23,479) sa kanila ay nasa live-in arrangement.

Bilang pagsunod sa mga umiiral na batas at patakaran, isinumite ang mga wage order sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at ito ay pinagtibay noong ika-16 ng Pebrero 2024. Ipinalathala ang mga wage order sa ika-19 ng Pebrero 2024, at magkakabisa 15 araw matapos ang publikasyon, o sa ika-6 ng Marso 2024.

Isinaalang-alang sa pagtaas ng sahod ang iba’t ibang pamantayan sa pagtukoy ng sahod na nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 6727, o ang Wage Rationalization Act. Ang Lupon, na binubuo ng mga kinatawan mula sa sektor ng pamahalaan, namumuhunan, at manggagawa, ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig noong ika-7 ng Pebrero 2024, sa Davao City at deliberasyon sa sahod noong ika-13 ng Pebrero 2024.

Itinataas ng 9 porsiyento ang bagong rate para sa mga manggagawa sa pribadong sektor mula sa umiiral na arawang minimum na sahod sa rehiyon at nangangahulugan din ito ng 23 porsiyento pagtaas sa mga benepisyong may kaugnayan sa sahod na sumasaklaw sa 13th-month pay, service incentive leave (SIL), at social security benefit tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Tulad ng alinmang wage order, at gaya ng itinatakda sa NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, ang mga retail at service na mga establisimyento na may regular na manggagawa na hindi hihigit sa sampo (10), at mga negosyong naapektuhan ng natural na kalamidad o gawa ng tao ay maaaring mag-aplay sa RTWPB ng exemption mula sa pagtaas ng sahod. Hindi sakop ng batas

sa minimum na sahod ang mga Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) alinsunod sa Republic Act No. 9178 [2002].

Magsasagawa ng information campaign ang RTWPB-XI upang matiyak ang pagsunod at magbibigay ng tulong sa mga kompanya sa pagwawasto ng wage distortion. Para sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw mula sa wage order, maaaring mag-email sa RTWPB sa [email protected].

Ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento at mga kasambahay sa rehiyon ay parehong inilabas noong Mayo 2022 at naging epektibo noong Hunyo 2022.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -