28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Pahayag ni Sen Imee sa malisyosong alegasyon ng pagpigil sa P13 B badyet sa mga benepisyaryo ng 4Ps

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON kay  Senador Maria Josefa Imelda “Imee” Marcos, “Noong September 2022 hearings para sa GAA 2023 budget, sinabi ng DSWD — base sa kanilang mga financial reports — na tanging 45 porsiyento lang ng 4Ps budget ang nagastos, at tatlong buwan na lang ang natitira para gastusin.

“Para maiwasan ang bantang ibalik ang hindi nagastos para sa 4Ps, inirekomenda ko na ang balanseng P8 bilyon ay ilipat sa mga proyekto ng DSWD na madaling maisakatuparan — kaya  ito hinati sa supplemental feeding, Kalahi-CIDSS, Quick Response Fund para sa mga sakuna, at AICS.

“Ang aking paniwala, gaya pa ng dati, ang badyet ng DSWD ay dapat na mapanatili sa lahat ng kaukulang gastos, dahil ang mga mahihirap ang mawawalan sa anumang kaltas sa badyet. Dahil doon, naisalba ang P8 bilyon para sa 4Ps at napakinabangan ng napakaraming marginalized sectors. Natapos din ang Listahanan 3 kung kayat nagawang pangkasalukuyan ang 4Ps directory na naantala ng pandemya.

Sa kabilang banda, ang pagbawas ng P5 bilyon sa AICS ay nangyari matapos kong irekomenda ang halagang iyon sa bersyon ng Senado sa badyet ngunit tinanggal ito ng nagsamang kapulungan ng Kongreso dahil sa kakulangan ng fiscal space matapos ang pandemya.

Ang dalawang halagang iyon – P8 bilyon plus P5 bilyon — marahil  ang tinutukoy ng ilang mga nalilito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -