28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

PCUP Mini Caravan pinalakas ang kabuhayan at serbisyong pangkalusugan para sa mga maralitang taga lungsod sa Caloocan

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Presidential Commission for the Urban Poor – Field Operations Division National Capital Region (PCUP-FODNCR) ay nakipag-tulungan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at lokal upang mai-organisa ang PCUP Mini Caravan, isang kolektibong inisyatiba na layuning paunlarin ang buhay ng mga komunidad ng maralitang taga-lungsod sa Barangay 157, Caloocan noong Pebrero 14.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DoLE), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Barangay 157, at Local Government Unit (LGU) ng Caloocan, nailapit ng PCUP Mini Caravan ang mga mahahalagang serbisyo sa mga taong nangangailangan nito.

Ang okasyon ay naglalaman ng malawak na hanay ng mga serbisyo na idinisenyo upang tugunan ang pangangailangan sa kabuhayan at pangkalusugan. Ang LGU ay nagbigay ng libreng gupit at masahe, sesyon ng pagsasanay sa kabuhayan, kabilang ang paggawa ng tocino at produksyon ng liquid hand soap, na ibinigay ng Tesda; pagsusuri sa mata at ngipin, libreng konsultasyon at gamot na pinamahalaan ng PCSO; management entrepreneurship training na ibinigay ng DoLE, na nagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mga indibidwal upang simulan at pamahalaan ang kanilang mga negosyo; at aplikasyon ng internet na mula sa Converge.

Binigyang diin ni PCUP Supervising Commissioner para sa NCR, Reynaldo Galupo, ang pangako sa pagpapabuti ng paghahatid ng serbisyo at patuloy na pakikipagtulungan sa mga katuwang na ahensya upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod.

Sa kabilang banda, ipinaabot ni Kapitan Danilo Singh ang kanyang pasasalamat sa PCUP at lahat ng mga kalahok na ahensya para sa kanilang sama-samang pagsisikap sa pagdadala ng mahahalagang serbisyo para sa kanyang nasasakupan.

Ang kabuuan ng PCUP ay nasa ilalim ng pamamahala ni Chairman at Chief Executive Officer, Undersecretary Elpidio Jordan Jr. na may mandato na magsilbi bilang direktang ugnay ng maralitang tagalungsod sa gobyerno sa ilalim ng Executive Order No. 82.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -