28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Pagsasabatas ng ‘Revised Bulacan State University Charter’ ikinagalak ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINAGALAK ni Senador Win Gatchalian ang pagsasabatas sa Revised Bulacan State University Charter (Republic Act No. 11980), bagay na aniya’y makatutulong sa pagpapaabot ng dekalidad na edukasyon sa mas maraming mamamayan ng probinsya ng Bulacan.

ikinatuwa ni Senador Win Gatchalian ang pagkakalagda ng Revised Bulacan State University Charter (Republic Act No. 11980). Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Nilagdaan kamakailan lang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang revised charter ng Bulacan State University (BulSU) na pinapalawak ang mga kurso, pati na rin ang governing board at kapangyarihan ng naturang pamantasan. Hinihikayat din ng revised charter ang specialization sa mga constituent units ng pamantasan.

“Mahalagang hakbang ang paglagda ng Pangulo sa Revised Bulacan State University Charter upang maipaabot sa ating mga kababayan sa Bulacan ang abot-kaya at dekalidad na edukasyon sa kolehiyo. Dahil palalawigin ng bagong batas na ito ang mga programa ng BulSU, mas maraming oportunidad ang magbubukas para sa mas marami nating mga kababayan sa Bulacan,” ani Gatchalian, isa sa mga may akda ng batas.

Sa ilalim ng revised charter ng BulSU, mandato sa pamantasan na mag-alok ng mga programa para sa advanced education, kabilang ang higher technological, professional courses at training programs sa mga larangang tulad ng engineering at technology, arts and sciences, education, agriculture at industrial fields, aeronautics, artificial intelligence at robotics, at iba. Mandato rin sa pamantasan na magsagawa ng research at extension services at production activities upang suportahan ang pag-unlad ng buong Bulacan at Central Luzon.

Nakasaad din sa revised charter na magkakaroon ang BulSU ng mga kapangyarihang taglay ng isang korporasyon ayon sa Revised Corporation Code of the Philippines (Republic Act No. 11232). Ipagkakaloob ang kapangyarihang ito sa Board of Regents na magsisilbing governing board ng pamantasan. Pamumunuan ang Board of Regents ng Commission on Higher Education (CHEd) Chairman at BulSU President bilang chaiman at co-chairman.

Pinasalamatan ni Gatchalian si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero, chairman ng Committee on Higher, Technical and Vocational Education sa Senado, para sa pagsusulong niyang maisabatas ang revised charter ng BulSU. Pinasalamatan niya rin si Majority Leader Senator Joel Villanueva, isa sa mga may akda ng naturang batas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -