28.6 C
Manila
Sabado, Abril 20, 2024

World-class na imprastraktura pinaigting ni PBBM

- Advertisement -
- Advertisement -

PINALAKAS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang layuning maghikayat ng dagdag pamumuhunan at negosyo sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga world class na imprastraktura.

Sa inspeksyon ng Airport to New Clark City Access Road, ibinahagi ni PBBM na ito’y bahagi ng programang Build Better More ng administrasyon.

Idinagdag pa ni Pangulong Marcos Jr. na palalakasin pa ng Airport to New Clark City Access Road (ANAR) ang posisyon ng Clark bilang investment at tourism destination.

Sa inspeksyon na kanyang isinagawa nitong Pebrero 21, nagpasalamat din si PBBM sa Bases Conversion and Development Authority para sa mga hakbang nito para gawing sentro ng ekonomiya ang mga dating military land at sa patuloy nitong kontribusyon sa modernisasyon ng ating Sandatahang Lakas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -