28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

DoLE itataguyod ang digital competitiveness

- Advertisement -
- Advertisement -

MAY pagkakataon na ngayon ang mga high school at estudyanteng nasa hustong gulang na matuto at paghusayin pa ang kanilang kasanayan sa digital para maihanda sila sa mga nagbabagong kasanayan na kinakailangan sa mga mangggagawa, sa pakikipagtulungan ng pamahalaan sa International Business Machines Corporation (IBM) para sa paggamit ng SkillsBuild platform ng IBM.

Sa pamamagitan ng kolaborasyong ito, ang SkillsBuild platform ay ili-link sa automated job at applicant matching system ng DoLE, PhilJobNet at sa online program ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) upang magbigay ng libreng skills training at micro-credentials ang mga Pilipino, ng sa gayon ay mas magkaroon sila ng oportunidad sa trabaho sa mga negosyong gumagamit ng digitalization.

Kabilang sa mga kurso na maaaring mapakinabangan ng mga benepisyaryo ay nakatuon sa digital literacy, customer support, data analysis, at iba pang kasanayang na kinakailangan sa digital economy.

Binigyang-diin ni Kalihim Bienvenido Laguesma ang kahalagahan na maitaas ang kanilang kasanayan upang maihanda ang mga manggagawa sa digital transformation.

Sinabi niya na pinapatunayan ng kolaborasyong ito ang pangako ng DoLE, Tesda, at IBM na mabigyan ang mga indibidwal ng mga kasanayan para sa pagtitiyak ng kanilang pag-unlad sa digital age.

Pinagtibay ang pagtutulungan sa pamamagitan ng paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng IBM, DoLE, at Tesda na ginanap sa DoLE Building sa Intramuros, Manila noong nakaraang taon.

Binigyang-pansin din nina Tesda Secretary Suharto Mangudadatu at IBM Philippines President and Country General Manager Maria Elena Judan-Jiao ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagsusulong ng digital skills agenda ng bansa, upang matiyak ang inklusibong pag-unlad ng lakas-mangggagawa.

“Sa pakikipagtulungang ito sa DoLE at Tesda, umaasa kaming mas maraming Pilipino sa buong Pilipinas ang magkakaroon ng access sa teknolohiya at propesyonal na mga kasanayan sa IBM SkillsBuild, at ang suporta na kailangan nila upang mapataas ang kanilang kasanayan para sa kanilang ninanais na propesyon,” wika ni Judan-Jiao.

Ang SkillsBuild ay programa ng IBM, isang American technological company at service provider sa mga negosyong naghahanap ng digital transformation sa buong mundo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -