28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Pagsama ng TVET sa Senior High School, inaasahang makabubuti

- Advertisement -
- Advertisement -

SA sectoral meeting ngayong araw, Pebrero 27, pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng pagpapataas ng kakayahan ng mga mag-aaral upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataang makakuha ng kalidad na trabaho.

Sa planong pagsama ng Technical and Vocational Education and Training o TVET sa lahat ng track sa Senior High School, inaasahang magkakaroon ang mga kabataan ng karagdagang kasanayan at sertipikasyon.

“Yung involvement ng industry, kailangan ‘yung — kailangan  nagsasabi, ‘ang kailangan namin ganito, kaya mag-training kayo ng ganyan. Wala pa tayong training na ganoon, maglagay kayo ng track na ganyan kasi ‘yun ang kailangan namin,” sabi ni Pangulong Marcos nitong Martes, Pebrero 27 sa sectoral meeting sa Malakanyang sa  iminumungkahing pagpapalakas ng Senior High School sa pamamagitan ng TVET.

“Kaya’t kailangan talaga ‘yung assessment ng labor market and the involvement of the industry. Kailangan talaga natin kausap ‘yung industry kahit — para  hindi lang sila employable, may nag-aantay na trabaho,” dagdag ng Pangulo.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -