28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

PBBM: Hindi dapat masayang ang mandato sa mga maliliit na bagay

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) na pagyamanin ang tiwala at kumpyansa na ibinigay sa kanila ng kanilang mga nasasakupan na bomoto at nagluklok sa kanilang mga posisyon ngayon.

“Napakalaking bagay na ibinoto tayo at inilagay tayo sa mga matataas na posisyon na ating inuupuan, kaya’t gamitin natin nang mabuti ang ibinigay sa atin na tiwala ng taumbayan upang kahit na hindi na tayo ang kinikilalang gumawa basta’t may mas magandang nangyari para sa ating constituency, may mas magandang buhay ang ating mga kababayan, ‘yun ang mahalaga,” sabi ni Pangulong Marcos sa General Assembly ng LMP nitong Pebrero 27.

Dagdag pa niya, “Pagka tayo ay nagkaisa at tuluyan nating pagkakaisahan ang trabahong binigay sa atin ng ating mga constituents ay magiging matagumpay ang transformation ng ating minamahal na Pilipinas tungo sa Bagong Pilipinas.”

Sa naturang pagtitipon pinagtibay din ni Pangulong Marcos ang layuning pondohan ang mga inisyatiba para sa paghahatid ng social services at pagtugon sa climate change.

Inanyayahan din ng Pangulo ang LMP na magpatupad ng mga programang tiyak na aabot sa mga susunod na mamumuno.

Tinatayang 1,058 municipal mayors, na pinangunahan ng LMP National President and La Paz, Abra Mayor Joseph Sto. Niño ‘JB’ Bernos, ang dumalo sa nasabing pulong.

Si Pangulong Marcos ang panauhing pandangal at tagapagsalita sa 2024 General Assembly ng LMP, na nilikha ng Republic Act No. 7160, o ang Local Government Code ng 1991. Ang LMP ay isang non-profit and non-government organization ng lahat ng munisipalidad sa buong Pilipinas.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -