27.3 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 11, 2024

Pangandaman: Budget para sa HFEP, tumaas; programa, pinaglaanan ng P28.58-B pondo para sa 2024

- Advertisement -
- Advertisement -

ALINSUNOD sa adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng reporma sa sektor ng kalusugan sa bansa, kinumpirma ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman ang pagtaas ng pondong nakalaan para sa pagpapatupad ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act (GAA), na unabot na sa P28.58 bilyon.

Ito ay mas mataas ng 6.6 percent kumpara sa P26.81 bilyong pondong inalaan para sa programang ito noong 2023.

“Patunay lang po ‘yan na talagang seryoso po ang ating gobyerno na pagbutihin ang health services sa bansa. As the President said in his last SONA, we are increasing our public health facilities both in number and in capability. And so, we will ensure that this program will get a much-needed support,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Binigyang-diin din ng Budget Secretary na ang patuloy na suporta para sa programang ito ng Department of Health ay bahagi ng panawagan ng Pangulo para sa isang Bagong Pilipinas, kung saan mayroong  access ang bawat Pilipino sa de-kalidad na pangunahing serbisyong pangkalusugan.

“Naintindihan po natin na maraming Pilipino ang umaasa sa mga pampublikong ospital at pagamutan, that’s why it’s important that our health facilities are prepared and equipped to cater to the needs of our kababayans. ‘Yan po ang salamin ng isang Bagong Pilipinas,” dagdag ni Secretary Pangandaman.

Gagamitin ang kabuuang alokasyon ng HFEP para sa pagpapatayo, pag-upgrade, o pagpapalawak ng mga pasilidad pang-kalusugan ng gobyerno sa buong bansa. Magbibigay-daan din ang alokasyon para sa pagbili ng kagamitan sa ospital at mga sasakyan na gagamitin bilang medical transportation.

Bibigyang-prayoridad  ng programang ito ang mga Universal Health Care (UHC) sites at mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAS), kasama na ang pag-upgrade ng mga pangunahing pasilidad para sa matatag na pagtugon sa Covid-19 at iba pang mga future pubic health emergencies na maaaring maganap, pagpapalakas at pagpapabilis ng mga ongoing project construction.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -