25.6 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Tulfo pinuna ang isyu sa tuition subsidy program ng DepEd

- Advertisement -
- Advertisement -

DUMALO si Sen. Idol Raffy Tulfo noong Feb. 28 sa pagdinig ng Committee on Basic Education kung saan nagkaroon siya ng oportunidad na ungkatin ang reklamong idinulog sa Raffy Tulfo in Action kaugnay sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) o “tuition subsidy” program ng Department of Education (DepEd).

Matatandaan na noong February 23, 2024 ay napasugod ang grupo ng mga magulang at estudyante at inirereklamo ang St. Michael Arcangel Technological Institute (SMATI) dahil hindi makapag-enroll sa kolehiyo ang mga anak nila. Hinaharang daw ang release ng school cards nila sapagkat hindi pa nakakapagbayad ang DepEd para sa kanilang tuition subsidy. Isa sa mga requirement para makapasok sa kolehiyo ay ang pagsusumite ng nasabing card.

Sa panayam sa RTIA, nangako si Atty. Tara Rama, Director III, Government Assistance and Subsidies Office (GASO) ng DepEd na siya mismo ang makikipag-ugnayan sa magulang ng mga naiipit na estudyante at sa mga eskwelahang kanilang papasukan para makapag-enroll sila. Kaya pinasalamatan ni Sen. Idol si Atty Rama sa nasabing pagdinig sapagkat tinupad niya ang pinangako sa kanila.

Sa naganap na hearing ay nalaman ng komite na mayroong 12,675 na ghost beneficiaries na hindi dapat makatanggap ng pera mula sa DepEd at umaabot sa P300 million ang nawala sa gobyerno dahil dito at kasalukayan ay humihingi ng refund ang DepEd sa mga tinatawag na ghost students. Agad namang pinalagan ni Sen. Idol ang depensa ng DepEd na maaaring clerical error lamang ito dahil umabot na sa libo-libo ang bilang at tila sinadya na talaga ito ng mga tiwaling ekswelahan.

Kaya inirekomenda ni Sen. Tulfo na dapat nakalista online ang beneficiaries ng GASTPE sa kanilang website para sa transparency. Sa kasalukuyang panahon, ang PEAC at DepEd lamang ang nakakaalam ng listahan ng mga estudyanteng binibigyan ng tuition subsidy kaya prone ito sa corruption sa pamamagitan ng mga ghost beneficiaries.

Iminungkahi rin ni Sen. Idol ang pagsusumite ng DepEd ng financial statement ng PEAC sa COA sa ngalan ng transparency, ito’y matagal na rin daw kasing hinaing ng CoA mula pa noong 2017 kung saan ayaw ng PEAC na ma-audit sila ng CoA.

Binigyang diin ni Sen. Tulfo na ang dapat makinabang sa GASTPE program ay ang mga totoong nangangailangan lamang nito.

Sa susunod na hearing ay ipatatawag din ang mga opisyal ng eskwelahan na nakita ng COA na mayroong ghost beneficiaries at hindi pa nakakapagbigay ng refund.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -