28.1 C
Manila
Linggo, Hulyo 21, 2024

PBBM nasa Melbourne na para dumalo sa 50th Asean-Australia Special Summit

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG patibayin ang kooperasyon sa pagitan ng Asean at Australia sa mga mahahalagang usapin gaya ng pagpapatupad ng international law sa West Philippine Sea, lalahok si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 50th Asean-Australia Special Summit sa Melbourne.

Dumating si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Linggo ng gabi sa Melbourne Airport kung saan siya mainit na tinanggapng mga opisyal ng pamahalaan ng Australia kasama ang kanyang maybahay na si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at ang mga delegado sa Asean-Australia Special Summit.

Sa kanyang departure statement, ibinahagi ni Pangulong Marcos ang magiging bilateral meeting kasama ang Cambodia at New Zealand. Makikipagpulong din si PBBM kasama ang mga business leaders sa Australia at magbibigay ng mensahe sa Lowy Institute.

Nakatakda ding makipagkita ang Pangulo kasama ang Philippine delegation sa Filipino community. Ulat at mga larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -