28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

BP Sara dumalo sa Joint Regional Task Force – End Local Communist Armed Conflict meeting

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Bise Presidente Sara Duterte sa kanyang Facebook page na dumalo siya sa meeting ng Joint Regional Task Force – End Local Communist Armed Conflict (JRTF-ELCAC) sa  Apo View Hotel, Davao City.

Aniya, “Tayo po ay dumalo sa pagpupulong ng Joint Regional Task Force – End Local Communist Armed Conflict sa Davao City noong Miyerkules, Pebrero 28, 2024.

“Bilang co-vice chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), inihayag ko po ang kahalagahan ng anti-insurgency program ng bawat ahensiya at bawat opisina dito sa rehiyon sapagkat dito nakasalalay ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng ating mga komunidad, munisipyo, maging ng ating mga kabataan.

“Bilang secretary ng Department of Education, minimithi ko na magpatuloy ang ibinibigay nila na tulong at suporta sa ating mga kabataan upang sila ay patuloy na maprotektahan at masiguro na nasa loob sila ng paaralan at makapagtapos sa pag-aaral.

“Ang deklarasyon ng Davao Region noong Oktubre 2022 bilang insurgency-free ay hindi nangangahulugan na wala ng problemang mangyayari dahil ang banta sa kapayapaan at seguridad ay laging nandiyan.

“Kaya sa aking mensahe hinikayat ko sila na huwag tumigil sa paggawa ng mga pagpupulong, pagbibigay ng suporta at kooperasyon sa lahat ng mga ahensya upang patuloy na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng ating nasasakupan.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng ahensya ng gobyerno na dumalo sa isinagawang pagpupulong upang pag-usapan ang kapayapaan at kaayusan sa Rehiyon XI.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -