27.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Pahayag ni Sen Hontiveros sa pag-file ng DoJ ng kasong qualified trafficking at child abuses laban kay Quiboloy

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senator Risa Hontiveros na, “Isang napakalaking tagumpay ito para sa bawat babaeng inalipusta at sinamantala ni Apollo Quiboloy.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat kay SOJ Remulla for finally acting decisively on this matter. Pero mas higit na pasasalamat sa mga naglakas loob na magsalita, sa lahat ng mga tumestigo at mga patuloy na nakikipag-ugnayan sa opisina ko para magsiwalat ng kanilang katotohanan.”

Nangako pa ang Senadora na “ipagpapatuloy ng Senado ang mandato nito na mag-iimbestiga, in aid of legislation, ang ilang dekada nang pang-aabuso ni Quiboloy. Sisguraduhin natin na ang mga inquiries na ito ay magreresulta sa pagpapalakas ng mga batas para sa mga kababaihan, mga kabataaan at sa mga mahihina sa lipunan.”

“Ang magandang pangyayaring ito ay regalo sa bawat babae ngayong Women’s Month,” sabi pa ni Hontiveros.

“Isang matapang at palabang Buwan ng Kababaihan sa ating lahat.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -