IPINATAWAG ng gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), si Zhou Zhiyong, ang Deputy Chief of Mission ng Chinese embassy sa Manila, para tugunan ang insidente sa West Philippine Sea (WPS) noong Martes.
Ang tawag ay bilang tugon sa mga agresibong aksyon ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa isang sasakyang pandagat ng Pilipinas sa kanilang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal. Ayon sa ulat, may apat na taong nasugatan dahil sa insidente.
Narito ang pahayag ng Department of Foreign Affairs sa post nila sa Facebook.