27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

75 mag-aaral ng Tesda sinuportahan ng mga Cayetano

- Advertisement -
- Advertisement -

MAS naging makabuluhan ang Buwan ng Kababaihan para sa mga mag-aaral ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda).

 

 

Ito ay makaraang mabigyan sila nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ng mahahalagang tool kit upang palakasin ang mga mayroon nang negosyo at tulong para sa mga nais magsimula ng bagong negosyo.

Namahagi ang magkapatid na senador ng mga electric oven na may convection at tatlong hand mixer sa 75 estudyante – na karamihan ay mga babae – na kumuha ng Bread and Pastry Production NC II sa SLDM Colleges ng Quezon City, isang institusyong kinikilala ng TESDA na nag-aalok ng Technical and Vocational Education and Training Courses (TVET).

Natapos ng mga mag-aaral ang kanilang mga kwalipikasyon at natanggap ang kanilang sertipikasyon noong nakaraang buwan sa pamamagitan ng scholarship na itinataguyod ng mga Cayetano. Noong Lunes, Marso 11, 2024, natanggap nila ang kanilang mga tool kit mula sa mga senador.

Sinabi ng isa sa mga estudyante na si Frebedina Curi mula sa Bagong Silang, North Caloocan, na ang mga kit na kanilang natanggap ay magpapalakas sa kanilang grupo ng mga ina dahil ito ay magbibigay ng karagdagang pagkakakitaan.

“Nagpapasalamat po kami kila Sen Alan at Pia Cayetano dahil andiyan na tumutulong sa aming mga nanay na magkaroon ng livelihood para di lang kami umaasa sa mga asawa namin at may sarili kaming pera,” wika ni Curi habang ipinapamigay ang mga toolkit.

Dagdag ni Curi, malaking tulong ito sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging panadera. “Maraming salamat po sa suporta para matupad ang pangarap naming maging baker, at sa pagbibigay ng magagamit bilang panimula. Maraming salamat at God bless po!”

Nagpasalamat din sa mga senador ang isa pang estudyante na si Mary Lynn Agarpao,. Hinimok rin niya ang mga may pangarap sa pagnenegosyo na subukang maging kwalipikado sa pamamagitan ng mga kurso sa TESDA.

“Kay Ma’am Pia at Sir Alan, maraming salamat po sa inyong pagtulong sa amin. Sa mga gusto pang mag-aral ng TESDA course para sa bread and pastry production, push n’yo lang! Kailangan lang may kagustuhan kayong matuto upang magkaroon ng certificate,” sabi ni Agarpao.

Naganap ang pamimigay ng toolkit para sa mga estudyante ng Tesda sa Novaliches, Quezon City. Ginawa ito katuwang sina Quezon City 5th District Representative Patrick Michael “PM” Vargas at Quezon City Councilor Alfred Vargas.

Naroon din sina Tesda Quezon City District Director Dr. Nomer Pascual, mga kagawad mula sa Barangay Sta. Monica na sina Alfie Manucltao at Roger Ternida, at si SLDM Colleges of Quezon City President Dr. Melody Digao.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -