28.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

IRR ng Trabaho para sa Bayan Act nilagdaan na

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG binati ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Labor Secretary Benny Laguesma, Department of Trade and Industry Usec Ceferino Rodolfo at mga kasamahan ng mga ito sa paglagda ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Trabaho para sa Bayan Act.

Mga larawan mula sa Facebook page ni Senator Joel Villanueva

Aniya, “Malaking karangalan po ang maging panauhing pandangal at masaksihan ang ceremonial signing ng Implementing Rules and Regulations ng ating isinulong na Trabaho Para sa Bayan Act.

“Bilang principal sponsor at author ng batas na ito na pinangako natin sa ating mga kababayan noong kampanya, tiwala po tayo na malaki ang maitutulong ng TPB Law para iangat ang kalidad ng trabaho sa bansa. Magbubukas din po ito ng mas maraming oportunidad sa ating mga kababayan.

“Maraming salamat po kina NEDA Secretary Arsenio Balisacan, Labor Secretary Benny Laguesma, Department of Trade and Industry Usec Ceferino Rodolfo at sa lahat ng nakasama natin sa makasaysakayang okasyon na ito.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -