27.6 C
Manila
Miyerkules, Mayo 29, 2024

Villar, isinusulong ang pag-iwas sa sunog

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga sunog, muling nanawagan si Senator Cynthia Villar ng pagkakaisa at kooperasyon upang maiwasan ang sunog.

Sa kanyang pananalita sa 2024 Fire Prevention Month celebration sa Villar Foundation Hall sa Las Piñas City nitong Sabado, Marso 9, sinabi ni Villar na nakapaloob ang mga ugaling ito sa tema ng pagdiriwang sa taong ito, “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa.”

“I believe that instead of depending on our fire fighters to put off fires, everyone must be responsible to avoid causing fires,” giit ni Villar.

Ipinahayag niya na sa ilalim ng Proclamation No. 115-A, idineklara noong 1966 ang Marso na “Fire Prevention Month” dahil ito ang simula ng summer season sa Pilipinas.

“And based on the Philippine statiatics, fire incidents in the country increases during March,” sabi pa ni Villar.

Sa Pilipinas, ang mga pangunahing sanhi ng sunog ay ang sirang electrical connections at electrical overloading, naiwang nakasinding kandila o stove o oven, upos ng sigarilyo at pag-imbak ng combustible materials gaya ng pintura.

“So we have to be check on these causes of fires,” ani Villar.

“We have also been embarking on activities to increase awareness and knowledge of residents and communities in preventing fires,” dagdag pa niya.

Ipinunto niya ang mga datos mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) na nagpapakita na 25 percent na pagtaas sa bilang ng sunog sa dalawang unang buwan ng taong ito.

Simula Enero 1 hanggang Marso 1, mayroon tayong 3,044 sunog. Sa parehong panahon noong 2023, nagkaroon tayo ng 2,424 sunog.

Sa buong taon ng 2023, may 15,900 sunog na 21 percent ang taas sa 13,133 sunog noong 2022.

Ayon sa senador, layunin nilang pababain ang bilang ng sunog upang tiyakin ang kaligtasan ng taumbayan.

“So we are continuously reminding our people about the causes of fires and how to prevent them particularly during this Fire Prevention Month.”

Idinaos para sa publiko ang Fire Safety Lecture na may mga paksa na Fire Causes, Development Stages; Classes of Fire and Contributing Factors; Good housekeeping on Cooking and keeping LPG; Electrical Fire Safety at Home, Exit Drills In The Home or EDITH (Emergency Drill In The Home) at Fire Suppression Methods gamit ang mga ordinaryong bagay.

Nagkaroon din ng Fire Extinguishment Drills ang fire personnel mula sa BFRV Fire Station at C5 Fire Station.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -