27.1 C
Manila
Huwebes, Mayo 30, 2024

Gatchalian: Paghahatid ng serbisyo publiko bubuti sa pagtatatag ng Negros Island Region

- Advertisement -
- Advertisement -

SINABI ni Senador Win Gatchalian na ang paghahatid ng mga frontline na serbisyo ng gobyerno sa Negros Island ay bubuti nang malaki kasunod ng pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang nagtatakda para sa paglikha ng Negros Island Region (NIR).

Naniniwala si Senador Win Gatchalian na magiging mas mabuti ang serbisyo publiko sa Negros Island kasunod ng pag-apruba ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ng panukalang nagtatakda para sa paglikha ng Negros Island Region. Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS Win Gatchalian

“Kapag naisabatas na, ang panukala ay mag-streamline ng mga serbisyo sa gobyerno dahil palalakasin ng mga lalawigan sa rehiyon ang kanilang mga proseso ng serbisyo at mababawasan ang mga gastos para sa kapakinabangan ng mga residente ng rehiyon,” sabi ni Gatchalian, co-author ng naturang panukala.

Ang panukalang Negros Island Region ay bubuuin ng mga lalawigan ng Negros Occidental, kabilang ang lungsod ng Bacolod, Negros Oriental, at Siquijor.

Sa ilalim ng umiiral na setup, ang mga residente ng Negros Occidental ay kailangan pang pumunta sa Iloilo para mag-apply ng kanilang mga identification cards, certificates, o permits habang ang mga taga-Negros Oriental ay kailangan ding pumunta pa sa Cebu para sa parehong proseso.

“Ang panukalang ito ay magpapalakas ng lokal na awtonomiya sa pamamagitan ng pagpapahusay ng administrative decentralization na siyang magpapabilis sa takbo ng ekonomiya, kultura, at pag-unlad ng buong rehiyon,” dagdag niya.

Ang pondong gugugulin sa pagpapatupad ng batas na ito ay isasama sa taunang General Appropriations Act.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -